NAGTUMPOK ng kabuuang 8.5 puntos I International Master Ronald Dableo matapos ang ninth at final round upang sungkitin ang titulo sa katatapos na 8th Gov. Amado Espino Cup Open chess Tournament sa Panga¬sinan Training and Development Center, Lingayen, Pangasinan.

Kumabig ng walong sunod na panalo si top seed Dableo bago nakipaghatian ng puntos kay Jan Nigel Galan sa final round ng torneo sa ipinatutupad sa event na nine rounds swiss system.

Nakipaghatian din ng puntos si NM David Elorta kay FM Mari Joseph Turqueza para su¬malo sa three-way tie sa second na may 7.5 pts.

Tinanghal na second si Elorta matapos ipatupad ang tie-break, inungusan nito sina Sherwin Tiu (3rd) at Galan (4th).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kinalos ni Tiu si NM Emmanuel Emperado.

Lumanding sa seventh si Turqueza habang si No. 2 seed IM Emmanuel Senador ay nagkasaya lang sa 14th place hawak ang pitong puntos.

Sina Dableo, Elorta at Tiu ay mga pambato ng manilenyo habang ang fourth na si Galan aymula sa Valenzuela City.