Nagluwag ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbabawal nito sa mga weekday mall sales sa Metro Manila.

Sinabi ni MMDA OIC Tim Orbos na pansamantalang binabawi ng ahensiya ang ban nito sa pagtatakda ng mga shopping mall ng mall sale schedule simula ngayong Lunes, Disyembre 26, hanggang sa Biyernes, Disyembre 30.

“Right after Christmas Day, traffic flow is light across the metropolis. To help shopping malls recover, they can do their mall sales,” sabi ni Orbos.

Ayon kay Orbos, ang pansamantalang pagbawi sa nasabing ban ay isang maituturing na insentibo sa mga shopping mall operator na nakiisa sa mga hakbangin ng gobyerno upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko sa Metro Manila ngayong holiday season.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaang nakumbinse ng mga opisyal ng MMDA, kasapi ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT), ang mga mall operator na tuwing Sabado at Linggo lamang magsagawa ng mga sale simula noong Nobyembre 1 hanggang sa Enero 9, 2017.

“The cooperation of the public and private sectors has been vital in improving the traffic flow,” sabi pa ni Orbos.

(Anna Liza Villas-Alavaren)