liza-at-ara-copy

GANDANG-GANDA kami kay Ara Mina nang maimbitahan kami sa kaarawan ng kanyang daughter na si Amanda. 

Pero mas nagagandahan kami sa super bibong anak niya na kahit dalawang taon pa lamang ito.

Nanay na nanay si Ara nang araw na ‘yun, siya mismo ang nag-entertain sa mga bisita ng kanyang anak. Pati sa pagkain, sa mga palaro at sa give aways ay personal na inayos ni Ara. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Siyempre, bilang ina, eh, dapat trabaho ko talaga ‘yun. Hindi na dapat pang ipagkatiwala sa iba, di ba?” bungad sa amin ni Ara. 

Samantala, si Ara rin ang gumaganap na nanay ni Liza Soberano sa isang project na ginagawa nila ngayon. Bilib na bilib siya sa young actress na sikat na sikat ngayon. 

“May mga nakatrabaho na rin kasi ako noon na wala pang mga name pero grabe ang attitude. Sobrang makaasta na akala mo super sikat na. Pero itong si Liza, nandoon na siya at lahat naman ng nakatrabaho niya, eh, nagsasabi na wala silang bad experience sa kanya,” kuwento ni Ara. 

Kung bilib sa ugali, mas bilib si Ara sa pagiging seryoso ni Liza sa trabaho. 

“Bilib ka talaga d’yan, nag-aaral pa siya. In between takes, nag-aaral siya. Nag-i- excuse agad siya sa amin pagkatapos ng eksena at nagbabasa agad ng mga aralin niya,” kuwento pa ng aktres. 

Hindi nagdalawang-isip si Ara na tanggapin ang project nang ialok sa kanya, lalo na nang malaman na gaganap siya para maging ina ni Liza. 

“Bakit pa ako magdadalawang-isip. Nang sabihin nilang ako ang mommy ni Liza, eh, tinanggap ko agad. Dati kasi, ‘pag sinasabi sa akin na nanay ako ni ganu’n,eh, napaisip muna ako.

“Tinatanong ko muna kung ilang taon na ba ‘yan, kasi, di ba, minsan ‘yung mga network, basta na lang ibibigay sa ‘yo ang role na parang ang dating, walong taon ka pa lang, eh, nagkaanak ka na,” napatawang banggit pa rin ng aktres. 

Dagdag pa ni Ara, sa new generations ng mga sikat o papasikat na mga artista ay walang dudang si Liza isa sa may pinakamaraming tagahanga. 

Hindi raw naman dapat pang pagtakhan dahil sa pagiging simple at magalang at sobrang mapagmahal sa trabaho ni Liza. 

“Siyempre, mamahalin mo ang isang kagaya niya dahil sa pagiging simple niya. Sobrang gusto ko siya sa generation ngayon. Napaka-down-to-earth niya. Wala siyang arte. 

“‘Pag pagod na siya, eh, hindi mo siya mariringgan ng reklamo at hindi siya nagta-tantrum,” lahad pa ni Ara. 

Samantala, present sa kaarawan ng anak niya ang ama ng bata na si MayorPatrick Meneses. Ani Ara, kahit hiwalay na sila ay maayos ang samahan nila at walang nagbago sa kanila bilang magkaibigan. 

“Single pa rin ako pero we’re friends. Nakita n’yo naman, hindi ko ipinagdadamot sa kanya ang anak ko. Naka-move na ako,” napangiting sabi pa ni Ara.