SANTIAGO, Chile (AP) — Niyanig ng isang malakas na lindol ang katimugan ng Chile noong Linggo, ngunit walang iniulat na namatay, at maliit lamang ang naging pinsala.

Sinabi ng U.S. Geological Survey na ang magnitude 7.6 na lindol ay tumama dakong 11:22 ng umaga, oras sa Chile, malapit sa dulong timog ng Chiloe Island, halos 39 kilometro sa timog-timog silangan ng Puerto Quello at may lalim na 35 kilometro. Iilan lamang ang nakatira sa lugar, may 1,300 kilometro mula sa katimugan ng kabiserang Santiago.

“There is no information of loss of life,” sabi ni national emergency director Ricardo Toro sa news conference. Ilang kalsada ang nasira. Walang kuryente ang may 22,000 kustomer.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina