GOMA, DR Congo (AFP) – May 22 sibilyan ang minasaker sa magulong probinsiya ng North Kivu sa Democratic Republic of Congo, sinabi ng mga opisyal nitong Linggo.
Naganap ang pamamaslang sa Eringeti, isang bayan na may 55 kilometro ang layo mula sa hilaga ng Beni.
Isinisi ni Amisi Kalonda, opisyal sa rehiyon, ang pag-atake sa mga rebeldeng Ugandan. Nilusob diumano ng mga miyembro ng Allied Democratic Forces (ADF) ang bayan noong Sabado ng hapon. ‘’Yesterday, they killed 10 civilians. Twelve other bodies were found (Sunday) in the surrounding villages,’’ aniya.
Gumamit ang mga salarin ng patalim at palataw sa kanilang mga biktima.