Mas maraming oportunidad sa trabaho ang naghihintay sa mga Pilipino matapos ihayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nangangalap ngayon ng mga manggagawa ang isang kumpanya ng semi-conductor sa Taiwan, at ang Ministry of Health (MoH) sa Saudi Arabia.

Ito ang nakasaad sa ulat kay Labor Secretary Silvestre Bello III, sinabing sa pamamagitan ng Government Placement Branch ay tinatanggap na ngayon ang mga aplikasyon para sa iba’t ibang posisyon.

Naghahanap ng mga kuwalipikadong aplikante ang Powertech Technology, Inc. sa Taiwan at ang MoH at King Abdullah Medical Complex sa Jeddah sa Saudi Arabia.

Nangangailangan ang Powertech ng mahigit 50 manggagawa, habang 306 na babaeng nurse at 40 respiratory therapist naman ang hanap sa Saudi. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'