Dahil sa pamumuno nito sa itinalang first round sweep ng Adamson University, nangunguna ngayon sa statistics para sa MVP race si Baby Falcons guard Encho Serrano sa UAAP Season 79 juniors basketball tournament.

Matapos ang naitalang seven-game sweep ng Baby Falcons , nagtala si Serrano ng kabuuang 73.4286 statistical points base sa inilabas ng official statistician ng liga na Imperium Technology.

Pumangalawa ang 5-foot-11 na si Serrano sa scoring department sa kanyang ipinosteng 19.3 puntos kada laro bukod pa sa average na 8.1 rebounds at 1.9 assists.

Kapag nagkataon si Serrano ang magiging ikalawang sunod na guard kasunod ni last season’s winner Aljun Melecio ng De La Salle-Zobel na magwawagi ng league’s highest individual award.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pumapangalawa sa kanya si SJ Belangel ng Ateneo na may 70.5714 SPs, pangatlo si Juan Gomez de Liaño ng UP Integrated School na may 69.2857 SPs, pang-apat si National University ace John Lloyd Clemente (64.5714) at panglima si Far Easten University-Diliman gunner Kenji Roman (60.1429).

Si Belangel ang isa sa dalawang players ng liga na may average na double-double sa kanyang itinalang 15.7 puntos at 10 rebounds kada laro para sa Blue Eaglets. (Marivic Awitan)