Pinaalalahanan ng isang Obispo ang mananampalataya na hindi kinakailangang gumastos nang malaki tuwing Pasko.

Nagbigay mismo ng tips si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo para sa mananampalataya kung paano ipagdiriwang ang Pasko na hindi gumagastos nang malaki.

Una sa kanyang listahan ang regalo. Sinabi ni Pabillo na bukod sa mga materyal na bagay, maaari rin nilang regaluhan ang kanilang mga minamahal sa buhay ng sapat na oras.

“Sometimes we are so busy with work that we dont have time for our loved ones anymore. So make time for them this Christmas they will surely appreciate that,” pahayag niya sa isang panayam.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

At sa mga gustong bumili ng regalo, sinabi ni Pabillo siguruhin na ito’y magagamit at hindi lang dahil sa tatak.

“When we buy gifts make sure that it is useful to the person. It need not be expensive or branded all the time,” sambit ni Pabillo.

Pagdating naman sa mga pagkain sa Noche Buena, sinabi ni Pabillo na piliin ang masusustansiyang pagkain.

“Buy healthy such as vegetables...the food that you will share need not be extravagant for as long as you are with your family,” ayon kay Pabillo.

Ipinagdiinan ng head ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Laity na magigng masaya at makabuluhan pa rin ang Pasko kahit ito’y simple lamang.

“You can still celebrate even with little to spend. Just be creative on how you can make your celebration simple yet happy and meaningful,” pagtatapos ni Pabillo. (LESLIE ANN G. AQUINO)