KALIBO, Aklan – Kasama pa ng tricycle driver ang kanyang pasahero nang isinauli niya sa himpilan ng Kalibo Police ang isang money bag na naglalaman ng mga baryang nagkakahalaga ng P2,000.

Kinilala ng Kalibo Police ang driver na si Geraldo Asilo, kasama ang pasahero nitong si Dionelo Dela Cruz.

Ayon kay Dela Cruz, nakita niya ang money bag sa upuan ng tricycle ni Asilo kaya tinanong niya ito kung kanino ang nasabing bag.

Kaagad namang nagtungo ang dalawa sa himpilan ng Kalibo Police upang isauli ang mga barya.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Makalipas ang ilang minuto ay nagtungo sa himpilan ang may-ari ng money bag, si Erasto Fabito, officer-in-charge ng fast food chain restaurant sa Kalibo, na magpapa-blotter sana tungkol sa bag ng mga barya na naiwan niya sa tricycle ni Asilo.

Labis naman ang pasasalamat ni Fabito kina Asilo at Dela Cruz na naibalik sa kanya ang money bag. (Jun N. Aguirre)