_dingdong-dantes_-2-copy

MASAYA at abala ang lahat tuwing Pasko, mula sa pagbili ng mga regalo, pag-aayos ng bahay para sa mga bisita at pagluluto.

Pero para sa ilang Kapuso artists na lagi nang busy buong taon, ang Pasko ay panahon ng pahinga at relaxation.

Kung ang iba ay kaliwa’t kanan ang mga party at gatherings, quality time with family naman ang plano ng bida ng Alyas Robin Hood na si Dingdong Dantes. Para sa kanya, ito ang tunay na kahulugan ng Pasko.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“My plan is to have dinner with my family because that’s what’s Christmas is for, right? ‘Tsaka ang dami kong natanggap na blessings this year na kasama ko ang pamilya ko. I think it’s a beautiful thing if I thank the good Lord with them,” wika ng Primetime King ng Siyete.

Ganito rin ang Pasko ng Ika-6 Na Utos star na si Gabby Concepcion. Sapat nang makasama niya ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan ngayong Pasko.

“I will be with family and friends and just enjoy life… simple life,” sabi ng mahusay na aktor.

Samantala, adventure naman ang Christmas plans ni Allan K na lilipad papuntang Japan.

“Sa amin kasi, Christmas Eve is with and for my family,” kuwento ng komedyante. “Sa 25th naman, mga inaanak. ‘Tapos on the 26th, pupunta na akong Japan. Magwa-White Christmas kuno. I want to relax, eh.”

Ang main contravida ng Sa Piling ni Nanay naman na si Katrina Halili, isang magandang paradise getaway ang gagawin.

“Plano ko sa Palawan kasi every year, I go there to spend Christmas. I find it special kasi,” sabi ni Katrina.

Ang kanyang co-star na si Gabby Eigenmann naman, childhood dream ang tutuparin ngayong Yuletide season.

“We’re going to Florida. Actually matutupad ko dito sa pagpunta kong ito sa Florida ang isa kong life-long wish: ang makapanood ng NBA game. Kaya excited ako talaga,” masayang sabi ng versatile actor.

Ipinagdiriwang ng bawat isa ang Pasko sa kani-kaniyang paraan. Ang mahalaga ay maging masaya at maramdaman ang tunay na diwa nito.