photo-igorot-copy

Dalawang Filipino-British na nagnanais mapabilang sa pambansang koponan ang inaasahang magbibigay hamon sa mga national track athletes sa isasagawang Philippine Athletic Track and Field Association (PATAFA) National Open na magsisilbing try-out at qualifying event para sa 2017 Kuala Lumpur Southeast Asian Games.

Ito ang sinabi ni PATAFA president Philip Ella Juico kahapon bilang parte ng kanilang paghahanda sa asosasyon na naghahanda para sa kambal na torneo na Southeast Asian Youth Championships at ang taunang National Open na kapwa isasagawa sa Ilagan, Isabela simula Marso 28 hanggang Abril 2.

“We are looking at 10 to 11 gold medals in the 29th Southeast Asian Games,” sabi ni Juico sa kada dalawang taon na torneo na gaganapin simula Agosto 19 hanggang 31 sa susunod na taon sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“My wish list is roughly 10 to 11 golds in the SEAG. That’s our target, which is still below the 12 we won here in Manila in the 1981 SEAG,” sabi pa ng dating Philippine Sports Commission (PSC) Chairman na si Juico.

Pinagbasehan mismo ni Juico ang target na maduplika ang limang gintong naiuwi ng asosasyon sa huling edisyon ng SEA Games sa Singapore mula kina Eric Cray (100m at 400m hurdles), Caleb Stuart (hammer throw), Kayla Richardson (100m) at Christopher Ulboc (3,000m steeplechase).

“I was told that there are good Fil-Heritage that wanted to join our try-out from Australia and United Kingdom, so we will be waiting for them. They will spice up and could give challenge to our national athletes,” sabi pa ni Popoy.

Umaasa din si Juico sa papaangat na sina Emerson John Obiena sa pole vault; Marestella Torres sa long jump, Harry Diones sa triple jump, Trentan Beram sa 400m, Mervin Guarte sa 800m, Patrick Unso sa low hurdles at ang dating kampeon na 4x400m team.