Disyembre 25, 1914, Araw ng Pasko, isang milagrosong pangyayari ang naganap sa kasagsagan ng World War I, nang ihinto ng karamihan sa tropa ng Germany ang pagpapaputok ng kanilang mga baril at sa halip ay nagsimulang kumanta ng Christmas carols. Ang pag-awit ay sinabayan ng brass bands, na narinig ng Russian, French, at British soldiers.
Marami sa mga sundalo ng Germany ang lumapit sa Allied lines sa no-man’s-land, at bumati ng “Merry Christmas”. Unang inakala na isa itong patibong, ginaya ito ng mga kalaban ng tropa ng Germany, na nakakitang walang armas ang una.
Matapos noon, nagkaroon ng palitan ng mga sigarilyo at plum puddings bilang regalo.