Tatlong disenyo ng isang makabagong sports complex ang pinagpipilian ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang legacy ng Pangulong Duterte sa atletang Pinoy.

Ibinida ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang inaasam na maitayong state-of-the-art sports complex sa loob ng dating US military base sa Clark, Pampanga. Kung masisimulan, inaasahang aabot ito para sa 2019 hosting ng bansa sa Southeast Asian Games.

Ayon kay Ramirez, ang portion ng lupa na tatayuan ay nasa pangangasiwa ng Bases Conversion Development Authority (BCDA).

Ipinakita mismo ni Ramirez ang tatlong plano na binuo ng kompanya na nagtayo mismo ng mga ginamit na pasilidad sa 2012 London at 2016 Rio Olympics na bubuuin sa mismong lugar ng Capas-Bamban-Clark na aabot sa 100-ektarya.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We prepare the Uptown Corridor plan, which they say is the high end because it has already a community, schools and universities, and is very good for all out athletes and coaches na maging dwelling place nila once they decided to retire,” sabi ni Ramirez.

“It will start in the first quarter of 2017. But if the schedule is very tight, huwag na lang habulin ang 2019 hosting dahil we can talk or rent na lang muna sa mga existing facilities like MOA and the INC’s,” aniya.

Ang planong Clark Green City, na kabibilangan ng National Sports and Training Center (NSTC) pati na rin athletes’ villages ay tinataya na aabot sa mahigit na P5 bilyon hanggang P10 bilyon.

Ipinaliwanang ni Ramirez na sa pamamagitan ng grant o donation ng Bases Conversion and Development Authority mula kay President and CEO Vince Dizon ay makapagpapatayo ng modernong sports complex sa itinakda nitong 50-ektarya habang ang matitirang 50-ektarya ay para maging tahanan ng mga atleta at coaches.

“It will all depend on the decision of Malacañang, sabi pa ni Ramirez.

Nakasaad naman sa plano ang sama-sama na pasilidad kabilang ang malaking track and field oval, football stadium, Olympic-sized swimming pools, velodrome, tennis courts, archery rangke and iba pang pasilidad sa water sports.

(Angie Oredo)