Posibleng tumaas ng P1 ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) sa Marso.
Ayon sa Meralco, ito’y bunsod ng maintenance shutdown ng Malampaya natural gas facility mula Enero 28 hanggang Pebrero 16, 2017, na magreresulta sa pagkawala ng may 700 megawatts na suplay ng kuryente.
Ang pahayag ay taliwas sa naunang sinabi ni Energy Regulatory Commission (ERC) Secretary Alfonso Cusi, na hindi dapat magkaroon ng epekto sa singil ng kuryente ang Malampaya maintenance shutdown.
Gayunman, nilinaw ni Cusi na kung talagang hindi maiiwasan ang pagtaas ng kuryente ay pababawasan pa niya ang P1 na estimate ng Meralco. (Mary Ann Santiago)