Umaasa si Senator Joseph Victor “JV” Ejercito na malapit na siyang makabalik sa Senado at maipagpatuloy ang kanyang mga responsibilidad bilang mambabatas matapos siyang ipawalang-sala ng Fifth Division ng Sandiganbayan sa mga kasong graft.

“I look forward to returning to my official tasks as Senator of the Republic of the Philippines and continuing my advocacies on public transportation, youth empowerment, education, energy, housing and economic development,” sinabi ni Ejercito sa isang pahayag na inilabas nitong Biyernes.

Nag-ugat ang kaso sa diumano’y ilegal na pagbili ng P2.1-milyong baril para sa San Juan City police noong siya ay mayor pa. (Hannah L. Torregoza)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'