Kinilala ni Sr. Supt. Johnson Almazan, Caloocan Police chief, ang napatay na pulis na si PO2 Marlo Medina Bautista, 48, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP 5).

Base sa imbestigasyon, dakong 7:00 ng umaga, inatake si Bautista ng apat na armadong lulan sa motorsiklo sa kahabaan ng Ilang Ilang Street, Barangay 178, Camarin, Caloocan City.

Papasok na umano sa opisina ang biktima nang siya’y pagbabarilin ng mga suspek. Naiulat na sakay din si Bautista sa kanyang motorsiklo.

Kinorner umano ng mga suspek ang biktima sa Ilang Ilang St., at makailang beses pinaputukan.

Probinsya

Pamilya, nasagip matapos bumagsak isang tulay sa Masbate

Mabilis na tumakas ang mga suspek, ngunit makalipas ang ilang minuto ay bumalik sa pinangyarihan ang dalawa sa mga ito at kinuha ang baril ni Bautista at muling pinaputukan, ayon sa mga saksi.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow up operation sa insidente. (Jel Santos)