Disyembre 24, 1801 nang imbitahan ng British inventor na si Richard Trevithick ang pito niyang kaibigan para i-test ride ang kanyang “Puffing Devil,” or “Puffer”, ang unang steam-powered passenger vehicle.

‘Di tulad ng steam engine ni Scotsman James Watt, gumamit si Trevithick ng “strong steam” o steam na may napakataas na pressure na aabot sa 145 pounds per square inch (psi), dahilan upang makabuo siya ng makinang angkop sa kanyang “Puffer” car. Kahit mas delikado sa makina ni Watt, ang makina ni Trevithick ay maaaring isabak sa minahan, bukid, pabrika, barko at lahat ng pinagagana ng makina —patunay na magagamit ito kahit saan.

Puffer ang ipinangalan ni Trevithick sa kanyang steam engine dahil ipina-puff nito ang steam sa atmosphere. Sapat ang laki nito upang pagbigyan ang mga istambay na nais samahan si Trevithick sa makasaysayang Christmas Eve test run. Gayunman, nasira ang Puffer ilang araw matapos nitong mag-overheat at masunog.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga