Natalo man siya sa halalan nitong Mayo, ipinagmalaki ni Sen. Grace Poe ang tagumpay niya nang mapatunayan sa Korte Suprema na ang isang napulot na ampon o “foundling” ay natural born citizen at may karapatang maging presidente ng Pilipinas.
Ayon kay Poe, hindi niya malilimutan ang 2016 dahil sa kanyang pangangampanya ay nakita niya ang mukha ng kahirapan sa iba’t ibang lugar sa bansa kaya lalong umigting ang kanyang hangarin na tulungan iangat ang kalagayan ng mahihirap.
Sa pagbabalik niya sa Senado, isinulong ni Poe ang pagpapatibay sa Freedom of Information (FOI) bill, Emergency Powers bill at feeding program sa mga pampublikong paaralan. (Beth Camia)