PANIQUI, Tarlac – Isang barangay kagawad ang pinagsasapak sa mukha ng isa niyang kabarangay na nag-aamok sa Barangay Abogado, Paniqui, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay PO2 Joemel Fernando, ang biktima ay kinilalang si Noel Apostol, 40, may asawa, kagawad ng Bgy. Abogado, habang ang suspek ay si Laurence Forones, 43, ng Sitio Bagcoc, Bgy. Abogado, Paniqui.

Batay sa report, lasing na dumating si Forones sa bahay ni Apostol at pinagmumura ang mga magulang ng kanyang live-in partner, at sinikap ng kagawad na mamagitan.

Gayunman, pinagmumura rin si Apostol ni Forones, sinabihan ng: “Puta** ina mo, huwag mo akong pagbintangan”, bago pinagsasapak ang biktima.

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Kasong disobedience at direct assault upon a person in authority ang kahaharapin ng suspek, na nakapiit na ngayon. (Leandro Alborote)