Pito sa sampung Pilipino ang umaasang magiging merry ang kanilang Christmas ngayong taon, base sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Lumalabas sa survey nitong Disyembre 3-6 na 73 porsiyento ng 1,500 adult ang nagsabing umaasa silang sila’y magiging masaya ngayong Pasko.

Ayon sa SWS, ito ang ikatlo sa pinakamataas na analysis simula nang magsagawa sila ng survey noong 2002 kung kailan 82% ang nagsabing sila’y umaasang magiging masaya ang kanilang Pasko. Bumaba ito sa 77% ng sumunod na taon, bago tuluyang bumaba sa 62-69% simula 2004 hanggang 2013. Muling tumaas sa 71% noong 2014, at 72% noong 2015.

Sa mga tinanong, limang porsiyento lamang ang nagsabing hindi sila magiging masaya sa Pasko, habang 21% ang nagsabing hindi sila magiging masaya ngunit hindi rin naman malungkot. (Vanne Elaine P. Terrazola)

Probinsya

Pamilya, nasagip matapos bumagsak isang tulay sa Masbate