katy-at-orlando-copy

SINORPRESA nina Katy Perry at Orlando Bloom ang mga pasyente sa Children’s Hospital sa Los Angeles sa pagiging Mr. and Mrs. Claus sa kanilang pagbisita rito kamakailan.

Nakasuot ang magkasintahan ng Santa hats habang umiikot sa ospital at binabati ang mga pasyente, ayon sa Facebook page ng Children’s Hospital LA. Kumanta rin ang dalawa ng Christmas carols.

Isa lamang ito sa maraming charitable activities na lumalahok sina Perry at Bloom. Sa katunayan, pinarangalan ang Rise singer ng UNICEF sa kanyang kontribusyon sa organisasyon nitong nakaraang buwan.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nakapanayam ng ET ang 32-anyos na singer sa UNICEF Snowflake Ball sa New York City, kung saan ibinahagi niyang kung paano nila sinusubukan ni Bloom na “do a better, bigger thing” sa kanilang celebrity influence.

“Well he was a previous award recipient last year, so he knows it better than I,” ani Perry. “And he’s been a UNICEF ambassador for over 10 years and I’ve only been a few years, so he’s kind of shown me some of the ropes.”

“Everyone is a teacher in a relationship, that’s how I see it now,” dagdag niya. “We’ve taught each other a lot.

“You could so easily just live in a bubble and be self-absorbed and make sure that it’s just you, you, you,” paliwanag ni Perry. “I have so much shine and spotlight, so it’s nice to take that spotlight and move it to a need that needs it more.” (ET Online)