Apat na team sports ang inaasahang muling maiitsapuwera sa susunod na taon na 29th Malaysia Southeast Asian Games base sa criteria na itinakda ng joint Philippine Olympic Committee – Philippine Sports Commission (POC-PSC) SEA Games Task Force.

Ito ay ang football, volleyball, netball at bowling na pawang hindi nakapag-uwi ng medalya sa mga nakalipas na edisyon ng kada dalawang taong pang-rehiyon na torneo.

Habang isinusulat ito ay nakatakda naman isumite ng POC ang na inaasam nitong kakatawan sa delegasyon sa torneo na gaganapin simula Agosto 19 hanggang 31, 2017.

Ang football, ibinaba ang kategorya sa edad na 22-anyos pababa, ay hindi pa nakakapagwagi ng anumang kulay ng medalya sapul na sumali ang bansa sa SEA Games kung saan tanging pinakamalaking nagawa nito ay nang talunin nito ang defending champion na Malaysia noong 1991 Manila SEAG.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Ang volleyball ay huli na nagwagi ng tansong medalya noong 2005 Philippine SEA Games na ginanap sa Bacolod City subalit matapos nito ay wala na naiuwing medalya sa sumunod na mga edisyon.

Ang netball, na hindi man lamang nagwagi maski isang laro at nakalasap ng kabiguan sa average na 54.5 puntos, ay hindi naging aktibo sa nakalipas na dalawang taon at walang inorganisa at sinalihang torneo sa labas ng bansa.

Hindi din naging maganda ang direksyon ng bowling matapos na magkaroon ng kaguluhan sa liderato bago pa ang pagkamatay ng presidente nito na si Toti Lopa bago na lamang muling hinawakan ng dati nitong president na si Steve Hontiveros at head coach sa ngayon na si bowling hall of fame Paeng Nepomuceno. (Angie Oredo)