HINDI natuwa ang mga nakabasa sa post ni Ellen Adarna sa Facebook na parang ipinagmayabang pa niya na nanigarilyo siya sa loob ng eroplano na mahigpit siyempreng ipinagbabawal.
Post ni Ellen: “Bakit gusto at pinipilit nila ako i-wheelchair palabas ng plane? Yoko ngaaaaa!! Pero bucket list check check checked... smoking inside the plane check na super checkkk with matching alarm and all that stuff!!!
Ababbabaabbababababaabhhahahahaa what is lalasinging nyo pa ako? Another glass of wine??? Okay!!! I don’t backout haha (may binanggit siyang pangalan ng lalaki) paano ka sa immigration? Ahahhajaaa check na check head to toe pati ilalim ng medjas lol. #classic #yolo. Super comedy ahahahhajaahhahahahaaj.”
May nag-comment na feelingera, papansin, brat at walang breeding si Ellen sa ginawa niyang ito.
Pero hindi naman yata siya apektado sa mga sinasabi tungkol sa kanya.
Kaya lang, hindi kaya ang trabaho ng flight attendant naman ng sinakyang eroplano ang maapektuhan sa maling ginawa ni Ellen? (NITZ MIRALLES)