DAGUPAN CITY – Nangunguna ang Dagupan City, Pangasinan sa buong bansa sa pinakamaraming naitatalang firecracker-related injuries simula noong 2010 hanggang 2014, batay sa report ng pulisya at ng Department of Health (DoH).

Kaugnay nito, magiging mahigpit ang pagbabantay ng PNP para maiwasang tumaas ang bilang ng mga mabibiktima ng paputok sa siyudad.

Ayon kay Supt. Neil Miro, mahigpit ang gagawing monitoring ng pulisya laban sa paputok sa lungsod.

Ikinagulat naman ni Dr. Noel Manaois, tagapagsalita ng Region I Medical Center sa Dagupan, ang pangunguna ng lungsod sa pinakamaraming nabibiktima ng paputok. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?