carrie-copy

AS of press time, nasa Intensive Care Unit (ICU) ang aktres na si Carrie Fisher sa isang ospital sa Los Angeles makaraang atakehin sa puso habang nasa eroplano nitong Biyernes, pahayag ng kanyang kapatid na si Todd Fisher sa ET

“She is in the intensive care unit, she is being well looked after,” saad ni Todd. “If everyone could just pray for her that would be good. The doctors are doing their thing and we don’t want to bug them. We are waiting by patiently.”

Inihayag din ni Todd na hindi pa niya nalalaman ang kondisyon ng kapatid.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“We don’t know. We hope for the best,” ani Todd. “We certainly do not know her condition, that’s why she is in ICU.

I’m sure everyone wants to speculate, but now is not the time for that.”

“They rushed her to the hospital and they are monitoring her heart right now,” dagdag pa niya.

Ayon sa spokesman ng Los Angeles Fire Department na si Erik Scott, sinaklolohan ng parademics ng advanced life-saving care ang isang pasyente sa Los Angeles International Airport nitong Biyernes, 12:11 PM, na dumanas ng cardiac arrest, at dinala ito sa malapit na ospital. Hindi niya pinangalanan ang pasyente bilang si Fisher.

Nag-tweet ang anak ni Carrie Fisher na si Joely tungkol sa balita nitong Biyernes at sinabing, “Use the force babe.”

(ET online)