Ngayong sunud-sunod ang holiday, nagpatupad ng adjustment sa oras ng biyahe ng Light Rail Transit (LRT)-1, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Sa rutang Baclaran-Roosevelt, bandang 5:00 ang unang biyahe ng tren ngayong araw, Disyembre 24 at sa 25, 31 at Enero 1, habang 8:00 ng gabi naman ang huling biyahe nito.

Sa Disyembre 25, dakong 9:30 ng gabi ang huling biyahe sa Baclaran station at 9:50 ng gabi sa Roosevelt station.

Dakong 7:00 ng gabi naman ang huling biyahe sa Disyembre 31. Sa Enero 1, dakong 9:30 ng gabi ang huling biyahe sa Baclaran station at sa Roosevelt ay dakong 9:50 ng gabi.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Samantala, muling ibabalik ang regular weekday schedule na 4:30 ng umaga hanggang 10:15 ng gabi sa Martes, Disyembre 27.

Sa Enero 7 naman muling ibabalik ang weekend schedule na 5:00 ng umaga hanggang 9:50 ng gabi.

27 BAGONG ELEVATOR SA MRT

Inilunsad naman kahapon ng Department of Transportation (DOTr) at ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) ang 27 bagong elevator sa lahat ng istasyon nito, mula sa Taft Avenue hanggang Quezon City.

Ayon kay MRT3 OIC General Manager Deo Leo Manalo, layunin ng ahensiya na matulungan ang mga senior citizen, may kapansanan at buntis sa pag-akyat at pagbaba sa mga istasyon.

Malaking tulong din sa mga pasahero ang 41 escalator sa loob at labas ng MRT stations.

(Airamae Guerrero at Jun Fabon)