SEOUL, South Korea (AP) — Kinutya ng North Korea si outgoing United Nations Secretary-General Ban Ki-moon kaugnay sa mga balitang binabalak nitong tumakbong pangulo ng South Korea. Tinawag siya na oportunistang “chameleon in a human mask” na nangangarap ng “hollow dream.”

Nakasaad sa Uriminzokkiri website ng North nitong Biyernes na malabo ang diumano’y ambisyon ni Ban dahil puno ng “criticism and shame” ang pamamahala niya sa UN sa nakalipas na 10 taon.

Hindi pa opisyal na idineklara ni Ban ang ambisyon niyang tumakbo bilang pangulo ng South Korea, ngunit hindi niya itinangging pinag-iisipan niya ito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina