WASHINGTON (Reuters) – Nanawagan si President-elect Donald Trump noong Huwebes na palawakin ng United States ang nuclear capabilities nito, na ikinaalarma ng mga eksperto.

Sa kanyang Twitter post, sinabi ni Trump na, “The United States must greatly strengthen and expand its nuclear capability until such time as the world comes to its senses regarding nukes,” ngunit hindi nagbigay ng karagdagang detalye.

Hindi malinaw kung ano ang nag-udyok sa kanyang komento. Gayunman, nang umagang iyon ay naunang sinabi ni Russian President Vladimir Putin na kailangang palakasin ng Russia ang “military potential of strategic nuclear forces.”

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national