Tiniyak ng Toll Regulatory Board (TRB) na walang magaganap na pagtaas sa toll fee sa susunod na buwan, sa kabila ng mga inihaing petisyon ng ilang tollway operators.

Ayon kay TRB spokesperson Bert Suansing, pinag-aaralan pa nila kung makatuwiran ang mungkahing itaas ang toll fee.

Wala pa rin aniyang petsa kung kailan nila aaksyunan ang mga petisyon kaya’t imposibleng maipatupad na ito sa Enero.

Noong Setyembre, nanawagan ang North Luzon Expressway (NLEX) na itaas ang toll rates sa 20 porsiyento, gayundin ang Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), na humihiling ng dagdag na 50% sa toll fee. Humihirit naman ng 40% increase ang Manila-Cavite Toll Expressway Project – R1 Extension. (Mary Ann Santiago)

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao