KASAMA ang ABS-CBN, isang pamilyang sasalubungin ng buong Pilipinas ang Pasko sa live na pagpapalabas ng Simbang Gabi sa Kapamilya Network na nagsimula na noong Biyernes (Disyembre 16).
Napapanood ang mga misa sa iba’t ibang parte ng bansa, simula 4 AM bago mag-Umagang Kayganda kapag weekday at 4:30 AM naman sa Sabado at Linggo.
Nagsimula ang siyam na araw na Misa de Gallo sa ABS-CBN Chapel, na susundan naman sa Cebu, Sta. Mesa, Manila, Naga, Sct. Ybardolaza, Quezon City, Pangasinan, Lipa, Batangas, Davao, at magtatapos sa Bulacan.
Alinsunod sa temang #IsangPamilyaNgayongPasko ng 2016 ABS-CBN Christmas Station ID, ang live telecast ng Simbang Gabi sa ABS-CBN ay magbubuklod sa bawat pamilyang Pilipino, nasaan man sila sa bansa o sa mundo, dahil sabay nilang mapapanood ang isa sa mahahalagang tradisyon ng mga Pilipino tuwing Kapaskuhan.
Makiisa sa pagdiriwang ng Simbang Gabi ngayong 2016. Tumutok sa ABS-CBN o ABS-CBN HD.