KUMPIYANSA ang San Beda na maibabalik sa eskwelahan ang naagaw na kampeonato sa NCAA football.

Umusad sa minimithing tagumpay ang Red Lions booters nang walisin ang first round elimination nang bokyain ang Arellano University Chiefs, 6-0, para s six-game sweep s first round.

Ginapi din ng San Beda ang St. Benilde, 4-1, para patibayin ang kampanya na muling maging kampeon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We’re just focused on preparing for the second round,” pahayag ni San Beda coach Michael Pediamonte. “But of course, at the back of our mind, we’re also thinking of that 22nd title because that is really our motivation as a team,”

Magsisimula ang second round sa Enero 6 sa susunod na taon, makakalaban ng San Beda ang Lyceum of the Philippines University na nahablot ang fourth at last semis ticket sa ala-una ng hapon.

Maghaharap naman ang No. 2 St. Benilde at No. 3 Arellano University sa 3 p.m. sa isang semis match.

Kung mananatili ang San Beda na walang talo sa second round, awtomatiko silang magiging kampeon.