Mga Laro Ngayon

(Philsports Arena)

4:15 n.h. – TNT vs Alaska

7 n.g. – RoS vs NLEX

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Panalong aginaldo ang asam ng apat na koponang magtatagisan ng lakas sa double-header ng 2017 OPPO-PBA Philippine Cup ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Unang magsasagupa ganap na 4:15 ng hapon ang Talk ‘N Text at Alaska na susundan ng hinihintay na tapatan ng Rain or Shine at NLEX ganap na 7:00 ng hapon.

Magtatangka ang Tropang Texter’s, Aces at Elasto Painters na masungkit ang ika-4 nilang panalo upang makasalo ng Blackwater sa ikalawang puwesto sa barahang 4-2.

Magkakasalo sa kasalukuyan sa ikatlong posisyon and TNT, ROS at Alaska hawak and kartadang 3-2.

Unahang makapagtala ng pang-apat na panalo ang Tropang Texters at ang Aces na kapwa galing sa panalo sa nakaraan nilang laro habang magkukumahog namang makabalik sa winning track ang Elasto Painters sa pagsagupa sa Road Warriors na hangad namang makaahon sa kinahulugang 4- game losing skid.

Patuloy na nangangapa ang Road Warriors sa kanilang laro na pinabigat pa ng pagka injured ng ilang key players na gaya nina Garvo Lanete at Enrico Villanueva.

Huling kabiguan na nalasap ng koponan ay sa kamay ng defending champion San Miguel Beer sa road game na ginanap sa Cagayan de Oro City noong nakaraang Sabado, 80-109.

“We need to build up as a team.We have to start with our attitude,” pahayag ni bagong Talk N Text coach Nash Racela matapos makamtan ang nakaraang panalo kontra Phoenix, 117-98.

“Coming from the collegiate ranks, sanay ka sa every possession dumidiin.That’s we are trying to develop,” dagdag nito.

Tatangkain naman ng Aces ang momentum nang naitalang came- from- behind win kontra Bolts, 81-79. (Marivic Awitan)