Kumilos si dating Pangulo at ngayo’y Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo upang maprotektahan ang Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) laban sa planong pagbebenta nito.
Naghain si Arroyo ng House Bill 1240 na magpoprotekta sa VMMC laban sa anumang pagbebenta o disposition. Iginiit niya na sa halip ay dapat isamoderno ng pamahalaan ang VMMC para mabigyan ng nararapat na serbisyong medikal ang mga Pilipinong beterano, retiradong sundalo, at kanilang dependents.
Kabilang sa mga iniulat na nagbabalak ng commercial development sa 55-ektaryang lupain ang Ayala Group.
Apat na taong isinailalim sa medical detention si Arroyo sa VMMC sa kasong inihain sa kanya ng administrasyong Aquino. Kalaunan ay napawalang-sala siya sa mga kasong plunder at electoral offense.
Naisailalim din si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa hospital arrest sa VMMC. Nahatulan siya sa kasong plunder. (Ben Rosario)