Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Duterte ang P3.35-trilyon national budget para sa 2017 o General Appropriations Act 10924.

Ito ang unang national budget na pinirmahan ni Duterte bilang pangulo ng bansa, na ginawa dakong 1:00 ng hapon.

Maliban sa mga regular na pinopondohan ng national budget, kabilang din sa “highlight” para sa 2017 national budget ang dagdag na P1,000 cash allowance sa mga guro, dagdag pondo para sa scholarship sa state universities and colleges, at libreng matrikula para sa mga medical student.

Pinakamalaki ang inilaan sa Department of Education, na nasa P544.1 bilyon, habang P454.7 bilyon naman ang budget ng Department of Public Works and Highways.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Saklaw din ng budget ang supplemental feeding ng Department of Social Welfare and Development (may P128.3 bilyon budget), irrigation fees subsidy, pondo sa pag-asenso at pagbabago, dagdag na PhilHealth subsidy, dagdag na pondo para sa Doctors to the Barrios at pagtatayo ng health facilities, at dagdag na P2.8 bilyon para sa Department of National Defense (pinaglaanan ng P137.2 bilyon). (Beth Camia at Roy Mabasa)