SAN FRANCISCO (AP) — Pumanaw nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ang 107-anyos Northern California woman na sinasabing pinakamatandang ‘loyal fan’ ng Golden State Warriors.

Napatanyag sa tawag na “Sweetie”, naging media darling si Helen Brooks matapos mailathala sa The Mercury News of San Jose ang artikulo hinggil sa pagiging loyal fan ng koponan na tinanghal na NBA champion noong 2015.

Minsan nang nasaksihan sa telebision ang pakikipagtalo ni Brooks kay Warriors coach Steve Kerr at naging VIP siya sa imbitasyon ng management para manood sa Oracle Arena.

Pinapurihan ni Kerr ang pagiging loyalista ni Brooks.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"She took great joy in our team over the years and especially when we won the championship a couple years ago, she was really happy," pahayag ni Kerr sa panayam bago pinabagsak ang Brooklyn Nets sa New York.

"We wanted to send along our condolences to her family."

Hindi nagbigay ng detalye ang pamilya sa dahilan ng kanyang pagpanaw, ngunit ayon sa anak na si Lily Toney, nagpaalam ang kanyang ina na masaya at puno ng pag-asa.

"I think she was just tired," aniya. "She had a wonderful life, and we're so happy she's in peace now."

Kasama ang kabiyak na si Clifford Brooks, regular na nanonood ng Warriors game ang mag-asawa hanggang maging balo noong 1999. Hindi ito tumigil sa panonood bilang paggunita sa namayapang asawa.

Ipinanganak siya sa Ennis, Texas, noong 1909. Naiwan niya ang anak na babae na si Toney, 77, at anak na lalaki na si Frank Knight, 82.