Ligtas nang nakauwi sa bansa si Rosemarie B. Jullanda, ang 45-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na naging viral ang video niya na nagpapasaklolo sa gobyerno, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sa video, umiiyak na humihingi ng tulong sa pamahalaan si Jullanda matapos siyang sampalin, sipain at bugbugin ng kanyang amo sa Zarah, Kuwait.
Binayaran ng kanyang local recruitment agency ang anim na buwang suweldo ni Jullanda na nagkakahalaga ng P100,000.
Nangako rin ang ABCA International Corporation na babayaran ang kanyang pagpapaganot. (Yas D. Ocampo)