PRAGUE (AP) — Kabuuang anim na buwan ang kailangang ipahinga ni Petra Kvitova bago makabalik sa kompetitibong torneo, ayon sa surgeon na nagopera sa napinsalang kaliwang kamay ng two-time Wimbledon champion nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).
Nasugatan si Kvitova nitong Martes nang atakihin ng magnanakaw na natyempuhan niya sa loob ng kanyang tahanan sa Prostejov. Hindi pa nadadakip ang suspect, ayon sa pulisya.
Umabot sa apat na oras ang operasyon kay Kvitova sa isang specialized clinic sa northern town ng Vysoke nad Jizerou.
"When we talk about (playing tennis), it will take about six months," pahayag ni surgeon Radek Kebrle ng Hand and Plastic Surgery Institute. "It's a serious injury and we have to deal with that accordingly.
"She's young and healthy and has long, slim fingers. That's a good prognosis,” aniya.
Sa opisyal na pahayag ng tagapagsalita ni Kvitova na si Karel Tejkal,naging matagumpay ang surgery at nasa maayos na kondisyon ang tennis star.
Nagtamo ng pinsala ang tendon sa kaliwang kamay ni Kvitova, gayundin ang limang daliri at dalawang nerves dahil sa insidente.
Sa kanyang mensahe sa Twitter, sinabi ni Kvitova na asahan ang kanyang pagbabalik sa Tour.
"If you know anything about me I am strong and I will fight this,” aniya.
Nagwagi si Kvitova sa Wimbledon noong 2011 at 2014. Inabot niya ang career-high ranking No. 2 noong 2011, ngunit tumapos sa No.11 sa 2016 season.
Noong April 1993, inatake at sinaksak sa likod si American tennis star Monica Seles sa isang torneo sa Hamburg, Germany.
Nakabalik sa Tour si Seles at umabot sa US Open Finals noong 1995.