nora_for-reggee-copy-copy

SA aming mini-survey sa ilang entertainment industry insiders, ang Vince & Kath & James, Seklusyon, Die Beautiful, at Ang Babae sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough ang hinuhulaan nilang maglalaban-laban sa takilya ngayong 2016 Metro Manila Film Festival.

May nakabanggit din sa Sunday Beauty Queen na documentary film tungkol sa OFWs kaya makaka-relate dito ang maraming kababayan natin na nagbabakasyon.

Walang masyadong bumanggit ng Saving Sally, Oro at Kabisera.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

Pagdating sa awards, posible raw na si Paolo Ballesteros ang mag-uwi ng Best Actor trophy pero makakalaban niya sina Joshua Garcia at Ronnie Alonte ng Vince & Kath & James.

“Pulido si Paolo sa Die Beautiful kaya malakas ang laban niya for best actor,” sabi ng mga nakapanood na ng naturang pelikula.

Sa Best Actress, malaki ang tsansa nina Nora Aunor (Kabisera), Irma Adlawan (Oro) at Eugene Domingo (Septic Tank 2), pero baka masilat daw sila ng batang si Rhed Bustamante (Seklusyon).

Kapag nagkatotoo ang fearless forecast na ito ng mga nakausap namin, maganda ang magiging headline ng mga pahayagan pagkatapos ng Metro Manila Film Festival awards night.

Ayon sa nakapanood na, mahusay ang pagkakagawa ni Erik Matti sa Seklusyon kaya malamang na marami itong iuwing technical awards.

Posible ring makakuha ng award ang Sunday Beauty Queen bagamat nagtataka ang aming kausap kung bakit isinali dahil hindi raw considered na pelikula ito.

Basta kami panonoorin namin ang lahat ng MMFF entry. (REGGEE BONOAN)