CHICAGO (AFP) – Kinasuhan ng mga pamilya ng biktima ng Orlando night club shooting ang Facebook, Twitter at Google dahil sa pagsasapubliko ng mga “material support” na naging source diumano ng Islamic State sa malawakang propaganda at nag-udyok sa pag-atake ng grupo.

Matatandaang 49 katao ang napatay at 53 ang nasugatan sa pamamaril ni Omar Mateen sa Pulse nightclub noong Hunyo, ang pinakamadugong mass shooting sa kasaysayan ng United States.

Ayon sa pamilya ng mga namatay na biktimang sina Tevin Eugene Crosby, Juan Ramon Guerrero Jr. at Javier Jorge-Reyes, hinayaan ng Internet giants na magamit ng IS ang social media upang makapangalap ng miyembro at pondo at magpalaganap ng propaganda.

“(We are) committed to providing a service where people feel safe,” sagot ng Facebook sa AFP. Wala pang komento ang Google at Twitter.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina