PUMANAW na ang isa sa malapit na kaibigan ng inyong lingkod, si Dr. Allen Salas Quimpo. Paalam, kaibigan.

Lumaki akong napapaligiran ng pamilya ni Allen at nasaksihan ko ang kanyang pagtanda dahil nagtapos ako ng elementary, high school, Liberal Arts at kumuha ng kurso sa kanilang Northern Visayas Colleges (NVC) Justice Victorino Mapa Law School. At si Allen ang NVC president bago siya mamatay.

Bilang NVC student, ipinamalas na ni Allen ang kaseryosohan na bihirang makita sa mga kabataan. Makalipas ang ilang taon, habang nag-aaral sa University of the Philippines, may mga panahon na nakita ko siyang inaasikaso ang mahahalagang state papers mula kay Ronnie Zamora, kasalukuyang San Juan congressman, na dating speech writer ni dating Pangulong Marcos, para isumite kay dating Executive Secretary Rafael Salas.

Malinaw, noon pa man, na noon pa’y pinaglilingkuran na ni Allen ang ating bansa at mamamayan. Pinagkakatiwala sa kanya ang mahahalagang state papers mula sa mga scholar at executive noong unang bahagi ng panunungkulan ni Pangulong Marcos.

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Sa lahat ng ‘hindi ko na kaya,’ nanatili Siyang tapat

Habang naglilingkod sa gobyerno bilang UNESCO commissioner at director ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nalaman ko na nagtagumpay si Allen sa kanyang pagbabalik sa Kalibo at nagsilbing vice mayor.

Nang matapos ang martial law, itinalaga ako bilang Kalibo OIC-mayor. Matapos noon, tinulungan ako ni Allen bilang duly-elected mayor, makalipas ang ilang taon, inihalal si Allen bilang congressman ng Aklan.

Ang kanyang ama, si yumaong Judge Rustico “Tay Tico” Salas Quimpo ang natatanging Filipino mayor na hindi nagtago sa mga Hapon. Siya ay nakipagtagpo sa mga Hapon sa Kalibo upang iligtas ang kanyang mga tao at ang Kalibo. Sa Banga, Aklan, nang hindi matunton ng mga Hapon ang dating alkalde, pinatay nila ang mahigit 300 katao.

Naging masagana ang kanyang tatlong termino (9 na taon) bilang congressman. Sa pamamagitan ng pagsisikap at pagiging positibo, nilisan ni Allen ang mga hindi mapapantayang regalo sa susunod na henerasyon.

Maraming paraan upang pasalamatan at parangalan si Allen, isang mahusay na leader at educator. Maaari nilang ipangalan kay Allen ang mga paaralan at kalsada. Gaya ng, Kalibo-Altavas Road at gawing Allen Salas Quimbo Highway; ang Aklan State University ay gawing Quimpo State University; Bahkawan forest mangrove na kanyang pinaunlad bilang Allen Salas Quimpo Eco-Park; at marami pang iba. (Johnny Dayang)