Nagpasalamat ang Malacañang sa sambayanang Pilipino sa patuloy na pagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte, na nanatiling “excellent” ang net public confidence sa +72, batay sa 2016 Fourth Quarter survey ng Social Weather Station.

Sa press statement na inilabas kahapon, sinabi ni Communication Secretary Martin Andanar na naging maganda ang net trust rating ni Pangulong Duterte sa tatlong magkakasunod na quarter – sa mga araw bago ang kanyang inagurasyon noong Hunyo 30, nitong Setyembre, at ngayong Disyembre.

“The result of the SWS survey was a testament that our people continue to stand shoulder-to-shoulder with the President’s agenda of getting rid the society of illegal drugs, crime, and corruption. This gives him and members of his team to pursue with greater resolve the Administration’s goal of a Philippines free from the drug scourge, crime incidents, and malfeasance in public service,” wika ni Andanar.

Isinagawa ang survey mula Disyembre 3 hanggang 6 at lumalahok ang 1,500 adult respondents sa buong Pilipinas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Lumabas sa survey na pinakamalaki ang tiwala kay Duterte ng mga respondent sa Mindanao, na binigyan siya ng “excellent” +85 score. Bumaba ito ng pitong puntos mula sa +92 noong Setyembre.

Nakuha ng Pangulo ang “very good” trust rating na +69 sa “Balance Luzon” at sa Visayas. Ito rin ang score ni Duterte sa Balance Luzon noong Setyembre, ngunit bumaba ng apat na puntos sa nakaraang rating sa Visayas.

Ang trust rating mula sa respondents sa Metro Manila ay mas mababa ng 11 puntos, +65 kumpara sa +76 noong Setyembre.

(ROY C. MABASA)