Patay ang isang lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang bayaw matapos niya itong pagalitan at batukan sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Dahil sa mga tama ng ice pick sa katawan, nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Valenzuela City Medical Center si Marlon Landicho, 30, ng No. 902 A. De Castro Street, Barangay Malinta ng nasabing lungsod.

Kasalukuyang tinutugis ang suspek, 14-anyos, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon kay SPO4 Ronald Bautista ng Station Investigation Unit (SIU), dakong 10:30 ng gabi, kakuwentuhan ni Landicho ang kanyang mga kaibigan sa labas ng kanilang bakuran.

Tio Moreno, nagpasaring kay Nicolas Torre III

Lumapit ang grupo ng suspek at nag-ingay dahilan para pagsabihan ito ng biktima.

Sinagot-sagot umano ng suspek ang biktima na siyang ikinagalit ng huli kaya pinagalitan ito saka binatukan.

Dito na nanlisik ang mga mata ng suspek at tuluyang pinagsasaksak si Landicho. (Orly L. Barcala)