claudine-sa-mmk-copy

MADAMDAMIN at muling maghahatid ng inspirasyon ang episode na mapapanood sa Maalaala Mo Kaya (MMK) sa darating na Bisperas ng Pasko na pinamagatang “A Family Storm” mula sa panulat ni Akeem Jordan del Rosario at sa direksiyon ni Raz de la Torre.

Matutuwa sa balitang ito ang supporters ni Claudine Barretto dahil siya ang isa sa mga pangunahing gaganap sa kuwento. Sa kanyang pagbabalik sa award-winning at long running drama anthology, muling makikita ang kahusayan sa pag-arte ng tinaguriang Optimun Star.

Makakasama ni Claudine si Dominic Ochoa na gaganap bilang si Norberto, ang asawa ni Lorena (Claudine).

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Walang ibang hinahangad ang mag-asawang Lorena at Norberto kundi ang kaayusan at kasiyahan ng kanilang pamilya.

Gustong patunayan ni Lorena sa kanyang mga kamag-anakan na mali ang mga ito sa paghusga kay Norberto. Nakapagtapos ng kolehiyo si Lorena samantalang si Norberto naman ay isang pedicab driver lamang nang sila ay ikasal.

Pagkaraan ng dalawang dekada, biniyayaan ang mag-asawa ng apat na anak at sinuwerte’t nagtagumpay sa pagnenegosyo ng chicharon, balut, at mani. Nakapagpundar sila ng sariling bahay at maipasok sa eskuwela ang mga anak. Sa kasamaang palad, naglaho ang lahat ng ito nang manalanta ang Super Typhoon Yolanda sa Tacloban noong 2013. Nawalay sa bawat isa ang mag-anak. Dumaan ang ilang araw at lahat sila ay pumunta’t nakipagsapalaran sa Maynila, umaasang matatagpuan ang bawat isa.

Makakasama nina Claudine at Dominic sina Maris Racal, Louise Abuel, Yñigo Delen, at Dexie Daulat na gaganap bilang mga anak ng mag-asawang Norberto at Lorena, sina Neil Coleta at Calire Ruiz bilang batang Norberto at Lorena, at Justin Cuyugan bilang Victor.

Napapanood ang MMK tuwing Sabado ng gabi. (MARGARETT TUMALE)