Dalawang araw bago sumapit ang Pasko, hinimok ng isang feng shui expert ang publiko na maghanda ng walo hanggang 12 uri ng pagkain sa Noche Buena para sa masuwerte, maligaya at masaganang Kapaskuhan.

“If you cannot serve 12 kinds of dishes, eight kinds would be okay. As much as possible, there should be plenty of food on the Christmas table,” sabi ni Master Hanz Cua nang eksklusibong mainterbyu sa Mandaluyong City.

Ang unang pagkain na dapat ihain sa mesa ay isda, na ayon sa kanya ay simbolo ng kasaganaan.

“There is this saying that when we serve fish on Christmas Day, we would be able to save money throughout the year,” sabi ni Cua.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

Ang pangalawang pagkain ay lechon, sabi niya. “Pork symbolizes abundance. If you cannot afford lechon, pork liempo or pork chop is fine. Ham is pork.”

Ang noodle dishes tulad ng spaghetti o pansit ay simbolo ng mahabang buhay at pangmatagalang relasyon ng mga miyembro ng pamilya, aniya.

“We can also serve 12 fruits which symbolize the 12 months of the year. Let’s include apple, papaya, suha and other fruits that’s good for cleansing our body,” dagdag pa ni Cua.

Ang cake ay sumasagisag naman sa kaligayahan. “It’s the birthday of our Lord that’s why we have to be happy.”

Ang matatamis na pagkain tulad ng candy at ilang lutuing malagkit na bigas ang sangkap ay simbolo naman ng pagmamahalan at pagkakaisa ng buong pamilya. Ang Yang Chao o sinangag na kanin ay kumakatawan sa tagumpay at kasaganaan, samantalang ang prito ay simbolo naman ng mabuting kapalaran, sabi niya.

Ayon kay Cua, mainam din kung magsuot ng pula sa Pasko. (Robert Requintina)