Disyembre 23, 1989 nang maging No. 1 ang English drummer at singer na si Phil Collins sa Billboard Hot 100 Singles chart para sa ikapito at huling pagkakataon sa awiting, “Another Day in Paradise.” Ito ang huling No. 1 single sa United States noong 1980s.

Ang “…Paradise” ay kuwento ng isang babaeng walang tirahan na binalewala ng isang lalaki sa pagtawid sa kalsada— ang orihinal na pamagat ng awitin ay “Homeless” —mula sa third-person point of view ng singer, na nais iparating sa mga tagapagpakinig na huwag magbulag-bulagan sa nasabing sitwasyon na tamang-tama sa Yuletide season, 27 taon na ang nakalilipas.

Apat na linggong nanguna ang “…Paradise” sa American pop chart at tinanggap ang Record of the Year honor sa 33rd Grammy Awards noong 1991.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga