UNITED NATIONS (AP) — Sinagot ni Secretary-General Ban Ki-moon ang mga espekulasyon na tatakbo siyang pangulo ng South Korea, sinabing sa Enero matapos ang 10 taon bilang UN chief siya magdedesisyon.

“I will really consider seriously how best and what I should and I could do for my country,” sabi ni Ban, sa kanyang huling UN press conference kahapon.

Gaganapin ang susunod na presidential election ng South Korea sa Disyembre 2017, ngunit kapag pinagtibay ng Constitutional Court ang impeachment ni President Park Geun-hye, idaraos ang bagong halalan sa loob ng 60 araw.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'