Dahil sa sunud-sunod na political killings na umano’y kagagawan ng private armed group (PAG) sa Samar, naglunsad ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ng magkasanib na Task Force na layuning disarmahan ang mga PAG sa probinsiya.

Binuo ang Task Force sa apela ni Samar Rep. Edgar Sarmiento, na nagpadala ng liham at manifesto sa AFP at PNP na nananawagan na tuldukan ang mga patayan sa probinsiya, partikular na sa Calbayog City, na sinasabing kagagawan ng PAG.

Sinabi ni Sarmiento na sa loob lang ng anim na linggo simula noong Agosto ay anim na barangay official na ang napatay sa Calbayog. (Bert de Guzman)

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling