sharla-copy

UMARANGKADA sa pangatlong puwesto si Sharla Cerilles, 12, sa The Voice Global list na nilahukan ng mahigit 60 internasyonal na bersyon ng hit singing contest na The Voice na ginanap ngayong taon.

Pasok sa ‘The Best of The Voice Kids’ ng The Voice Global si Cerilles na isang YouTube channel at mahigit sa 300,000 ang tagasubaysay.

Dahil sa mahusay na bersiyon ni Cerilles ng Power of Love ni Celine Dion na kinanta niya sa blind auditons, nakuha niya ang atensiyon ng nasabing kompetisyon. Si Cerille ay kabilang sa finalists ng The Voice Kids PH 2016 Season 3.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Matatandaang napabilib ng tubong Parañaque na si Sharla, ang coaches ng The Voice Kids PH 2016 Season 3 nang kantahin niya ang Power of Love sa blind auditons noong ika-12 ng Hunyo. Nakagawa siya ng record na three-chair turn mula kina Coach Lea Salonga, Coach Sharon Cuneta at Coach Bamboo Mañalac.

“This girl is a complete package. Your presence was there and you connect to the audience,” ani Lea nang magkomento sa pagtatanghal ng bata. “I love your presence on stage,” sabi naman ni Sharon. “This is The Voice. It’s about character. Hopefully you can take Kamp Kawayan,” wika naman ni Bamboo.

Kalaunan ay sa grupo ni Coach Sharon ang pinili ni Sharla na solong recruit ng coach nang gabing iyon.

Natanggal si Cerilles sa Sing-Offs Round nang piliin ni Coach Sharon si Antonetthe Tismo para magpatuloy sa kompetisyon na pinarangalang season’s 1st runner-up sa finals. (DIANARA T. ALEGRE)