HELSINKI (AFP) – Inihayag ng Nokia noong Miyerkules na kinasuhan nito ang Apple sa German at US court dahil sa patent infringement. Ayon dito, ginagamit ng US tech giant ang mga teknolohiya ng Nokia nang hindi nagbabayad.

Sinabi ng Nokia, ang FinnisH company na dating world’s top mobile phone maker, na pumirma ang dalawang kumpanya sa licensing agreement noong 2011, at simula noon “Apple has declined subsequent offers made by Nokia to license other of its patented inventions which are used by many of Apple’s products.”

Ang mga reklamo, inihain sa tatlong lungsod sa Germany at isang district court sa Texas, ay kaugnay sa 32 Nokia patent para mga makabagong display, user interface, software, antennae, chipset at video coding.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national