Pinabulaanan ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagkakaubusan na ng supply ng Noche Buena products ngayong nalalapit na ang Pasko.

Dahil sa umano’y nagkukulang na ang supply ng Noche Buena products, pinangangambahan ng mga mamimili ang pagtaas ng presyo ng mga ito.

Nilinaw naman ni DTI Undersecretary Teodoro Pascua na nananatiling “stable” at sapat ang supply ng mga panghanda ngayong Pasko at maging sa Bagong Taon.

Sa ngayon ay wala pa umanong namo-monitor ang DTI na mga negosyanteng lumabag sa suggested retail price (SRP), ayon kay Pascua.

Drug war victims, tutol sa apela ng kampo ni Duterte sa impormasyon ng mga testigo

Ang mahuhuling lalabag sa SRP ay padadalhan ng DTI ng show cause order o pagpapaliwanagin. (Bella Gamotea)